The Chase

“Kuya, pagod na ko. Di ko na kayang tumakbo. Iwanan mo nalang ako dito.” Sabi ko sa kuya ko na kasama kong tumakbo palayo sa mga lalaking kanina pa humahabol sa amin.

“No! I will never leave you here. Makakatakas tayo sa kanila ng magkasama.” Mariing sabi sa akin ng kuya ko habang marahang pinisil ang kamay kong kanina pa niya hawak. Gusto ko ng sumuko ng mga oras na to pero dahil sa mga salita ng kuya ko, ng nagiisang taong karamay ko, ay tinatagan ko ang loob ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo pero sadyang bumibigay na ang katawan ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng katawan ko sa malamig at matigas na semento.

“Demi!” Sigaw sa akin ni kuya na medyo malayo na sa pwesto ko. Tumakbo siya papalapit ulit sa pwesto ko pero nakakailang hakbang palang siya ay nakarinig ako ng malakas na putok kasabay ng pagbagsak ng katawan ng kuya ko.

“Kuya! Kuya Pyro!!!” Sigaw ko. Pinilit kong gumapang papalapit sa katawan niya pero may dalawang pares ng kamay na humablot sa akin at marahas akong kinaladkad palayo. Nakita kong may isang lalaking may dala ng baril ang lumapit sa pwesto ng kuya ko at pinaputukan ulit ang nakahandusay na katawan niya.

“Kuya! Kuya!!”

Napabalikwas ako ng bangon at sapo sapo ang dibdib ko. Panaginip. Napanaginipan ko na naman ang malagim na pangyayaring iyon. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon pero malinaw parin sa alaala ko ang mga nangyari nung gabing iyon.

Matapos nilang barilin ang kuya ko ay kinaladkad nila ako pabalik sa bodega kung saan nila ako muling itinali at paulitulit na pinahirapan para lang sabihin sa kanila kung nasaan ang magaling kong ama. Nagising nalang ako sa isang ospital noon. Ang sabi sa akin ng stepmom namin ay patay na daw ang kuya ko. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kuya ko. Kung hindi raw ako naglayas ng gabing iyon ay hindi ako makikidnapped ng mga lalaking iyon. Hindi ko alam kung papaano nila ko nailigtas o kung sino ang nag ligtas sa akin.

Simula ng araw na iyon, mas naging mahirap ang lahat para sa akin. Mas sumama ang pakikitungo sa akin ng  stepmom namin lalo na ang anak niyang patay na patay sa kuya ko. Pero simula din ng araw na yun, pakiramdam ko mas naging ligtas ako.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng may marinig kong kumatok. Napakunot noo ako.

“Sino yan?”

“Demi, baby, it’s dad.” Sagot ng tao sa labas. Tsk. Ang magaling kong ama. Nakabalik na pala siya ulit ng bansa. Siya ang dapat sinisisi sa nangyari sa kuya ko eh. Isa pa, parang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Galit ako sa kanya.

“Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya ng pagbuksan ko siya ng pinto ng kwarto.

“Baby, bakit hindi ka pa nakabihis? May pasok ka diba?” Malambing na tanong niya sa akin. Nakakaasar. Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko pa din siya magawang bastusin. Bakit? Dahil kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo, siya parin ang ama ko at siya nalang ang natitirang kadugo ko.

“Mag aayos na ako.” Sabi ko sa kanya.

“Good. Antayin ka namin sa dining.” Sabi niya sa akin ng nakangiti. Tinanguan ko nalang siya at sinara na ulit ang pinto. Nag ayos na ako ng sarili para sa pagpasok.

Matapos kong magayos ay bumaba na ako sa dining para samahan sila sa pagkain. Tahimik akong umupo at sinimulan na ang pagkain.

“Bitch.” Narinig kong bulong ni Stacy. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa reaksyon niya. Bakit parang gulat na gulat siya? Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

“Baby, I bought you a new car. Here’s the key. Drive safely okay.” Sabi sa akin ni dad ng matapos kaming kumain. Walang gana kong tinanggap ang susi na inaabot niya. Ganyan siya, binibilihan ako ng kung ano ano kahit hindi naman ako nanghihingi kaya lalong nanggagalaiti sa akin yung bago niyang pamilya eh.

Umalis na ako sa bahay ng hindi sila kinakausap. Baka makipagplstikan na naman sa akin yung mag ina niya. Ganon naman sila eh pag nandiyan si dad eh, akala mo mga hindi makabsag pinggan sa kabaitan pero pag wala na ulit si dad saka lumalabas ang tunay na mga kulay. Kulang nalang palayasin ako sa sarili naming pamamahay. Tama, bahay namin yun ng kuya ko. Iyon ang iniwan sa amin ng tunay naming ina sa amin ni kuya bago siya mamatay. Isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis doon kahit na gustong gusto ko ng lumayo sa kanila.

Nang makarating na ako sa school ay agad na akong nag lakad patungo sa room ko. Katulad ng inaasahan, ako na naman ang pinaguusapan ng mga babae dito. Kung ano ano kasing maling balita ang ikinakalat ng magaling kong step sister tungkol sa akin. Sikat siya dito sa school dahil siya ang pinaka mamahal nilang Student council President.

Hinayaan ko nalang sila dahil bukod sa wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin nila eh hindi naman nila alam kung ano ang totoo.

Malapit na ako sa room ng magring ang phone ko. Huminto ako saglit para sagutin iyon. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba talaga o hindi matapos kong makita ang caller, si dad. Sa huli sinagot ko na din.

“Hello?”

“Baby, aalis na ulit si dad. Keep safe always okay? Always remember, I love you so much. Mahal ko kayo ng kuya mo.”

Gusto ko sanang sabihin na mahal ko din siya kahit nag alit ako sa kanya pero walang lumabas na kahit na ano man mula sa akin. Mahabang katahimikan bago nagslita ulit si dad.

“Alam ko na kung sino ang kumidnap sayo at gumawa nun sa kuya mo. Baby, I want you to listen okay? Kung ano man ang mangyari sa akin ~” hindi na natapos ni dad ang sasabihin niya dahil biglang namatay ang phone ko. Damn it. Nakalimutan kong mag charge. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na ulit papunta sa room.

Kahit na nababagabag pa din ako dahil sa tawag ni dad ay minabuti ko pa ding pasukan ang lahat ng subjects ko pero sadya yatang lutang ang isip ko dahil hindi ko manlang napansin na uwian na pala.

Agad akong sumakay ng kotse at tinahak ang daan pauwi. Bigla akong kinabahan ng makita ang sasakyan ng mga pulis sa tapat ng bahay namin. Dali dali akong pumasok at naabutan ang humahagulgol na stepmom ko.

“What’s the matter officer?” Tanong ko sa isang opiyal na nakatayo malapit sa stepmom ko.

“Are you Miss Demi Louis Salvacion?” Tanong sa akin nung opisyal kaya tinanguan ko naman siya bilang tugon. May inabot siya sa aking flashdrive at isang brown envelope. Inabot ko naman iyon.

“Ibinilin iyan ng iyong ama sa lalaking nagdala sa kanya sa ospital.” Paunang sabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi maganda ang kutob ko dito. Hindi maaari to.

“Ikinalulungkot ko Miss Salvacion pero pumanaw na ang iyong ama.”

++++

Isang lingo. Isang lingo na ang nakakalipas mula ng mamatay ang ama ko. Ang dalawang walang hiyang babae sa bahay na ito ay lumayas na din dala ang pera at papeles ng kumpanya namin. Ang natira sa akin ay ang bahay na ito, ang dalawang kotse ko, isang bank account na may personal savings ko at flashdrive at brown envelope na iniwan sa akin ni dad.

Masyadong masakit ang mga pangyayari. Iniwan na ako ng dalawang taong mahalaga sa akin. Una si kuya tapos ngayon naman si dad. Wala na. Wala na akong natitirang rason para mabuhay.

Napabaling ang tingin ko sa brown envelope na nakapatong sa side table ng kwarto ko. Hindi ko pa din pala nabubuksan ang isang to. Agad ko iyong kinuha at marahang binuksan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mga litrato ang laman ng envelope na iyon. Mga litrato ko nitong nagdaang dalawang taon. Mga litrato kung saan nasa di kalayuan ang isang lalaki na inakala kong patay na. Ang kuya Pyro ko. Buhay ang kuya ko. Buhay siya! Pero bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Matagal na ba itong alam ni dad? Bakit itinago niya sa akin ito?

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at mabilis na tinungo ang sementeryo kung saan nakalagak ang magkatabing puntod nila mom, dad, at kuya.

“Dad, ang daya mo naman eh. Matagal mo na ba to’ng alam? Alam mo bang halos bawiin ko na din ang buhay ko nung mga panahon na yun dahil akala ko, iniwan na ako ni kuya.” Inis na sabi ko sa harap ng puntod ni dad. Hindi ko na din napigilan ang mga luhang isang lingo ko na ding pinipigilan sa pagpatak.

“Aalamin ko kung ano man ang dahilan ni kuya kung bakit hindi siya nag papakita sa akin. Hahanapin ko siya.” Dagdag ko pa. Hinayaan ko nalang tumulo ng tumulo ang mga luhang nag uunahan sa pag patak. Kung ano man ang dahilan niya aalamin ko yun.

++++

“Demi, sana mapatawad mo si kuya. Alam kong malungkot ka ngayon dahil pati si dad nawala na sayo. Wag kag mag alala, palagi kitang binabantayan. Wag mo na sana munang hanapin si kuya ah. Hindi pa ito ang oras para magkita tayo baby ko. Mahal na mahal kita.”

Ang boses na iyon. Sigurado akong si kuya Pyro iyon. Minulat ko ang mata ko at nagtaka ako ng mapagtantong nasa loob na ako ng kwarto ko sa bahay. Sinong nagdala sa akin dito? Si kuya ba? Dahil sa isiping iyon ay agad akong napatayo at nilibot ang buong bahay pero ni anino ng kahit sino ay wala akong nahagilap. Muli akong bumalik sa kwarto at napaupo sa gilid ng kama.

“Kung hahanapin ko si kuya saan ako magsisimula?” Tanong ko sa sarili. Napatingin ako sa side table ko at nahagip ng paningin ko yung flashdrive. Agad ko iyong kinuha. Binuksan ko ang laptop ko at isinalpak doon ang flashdrive.

Napangiti ako sa nabasa ko. Griffin University. Doon nag aaral si Kuya. Doon ko siya sisimulang hanapin. Napatingin ako sa relo ko, ilang oras nalang at umaga na.

Bumaba ako at nag handa ng makakain ko. Matapos kong kumain ay naghanda na ako. Saktong alas otso ng umaga ng lisanin ko ang bahay papunta sa school ko. Pagdating ko doon ay pinagtitinginan na naman ako. Napangiti ako. Ito na ang huling araw na makikita niyo ako dito.

Agad kong tinungo ang registrar office para mag drop. Buti nalang at kasisimula palang ng school year kaya hindi na ako nahirapan pa. Matapos kong gawin ang mga dapat gawin ay agad kong tinungo ang Griffin Uninversity. Medyo malayo siya sa bahay ko pero ayos lang, kung makikita ko naman si kuya.

Pagdating ko sa GU ay agad na din akong nag enroll. Buti nalang at na refund ko pa ang almost 75% ng tuition ko sa dati kong school.

++++

Ilang lingo na ang nakakalipas simula ang pumasok ako sa Griffin University pero ni anino ni kuya ay hindi ko makita. Nauubusan na ako ng pag asa na makikita ko siya ulit. Sa ilang lingong nagdaan, nakapagtanong tanong din ako sa mga bago kong kakilala sa University pero wala silang kilalang Ian Pyro Salvacion. Mukhang mahirap talaga hanapin ang taong ayaw mag pakita. Siguro naman kung may balak talaga siyang magpakita sa akin, matagal na niyang ginawa.

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na naman pala ako. Tuwing nandito talaga ako sa mini garden ng University namin ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Isang lingo. Isang lingo nalang akong mananatili sa lugar na to.

“Kuya Pyro! Pag hindi pa kita nakita sa buong lingong to pangako titigil na ako! Hindi na kita hahanapin! Titigil na ako sa pag hahanap sa natitirang dahilan ng buhay ko! Titigil na ako!” Sigaw ko.

“Kung ayaw mo talagang magpakita, hindi na kita pipilitin. Susunod nalang ako kila dad dahil napapagod na din ako. Napapagod na akong mabuhay mag isa.” Pahabol ko pang sabi pero mas mahina na kaysa sa naunan.

“Miss ayos ka lang?” Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. Tinignan ko lang siya saglit at agad na sing ibinalik ang tingin ko sa unahan.

“Miss?” tanong niya ulit sa akin.

“Naranasan mo na bang maghanap ng isang multo?” Tanong ko sa kanya ng maramdaman kong tumabi siya ng upo sa akin.

“Huh? Multo?” Takang tanong niya. Napangiti nalang ako ng mapakla.

“Ako naranasan ko na. Ay mali, nararanasan ko pala.” Patuloy kong sabi sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako naiintindihan. Nanatili siyang tahimik. Ramdam kong nakatingin siya sa akin.

“Dalawang taon na simula ng mamatay ang kuya ko. Simula ng inakala kong namatay siya. Ako ang sinisisi sa pagkamatay niya. Kasalanan ko. Hindi ko man maamin sa sarili ko pero sarili ko din ang sinisisi ko. Nung mga panahong iyon, ilang beses kong tinangkang magpakamatay pero lagi nalang akong nagigising sa kama ko na buhay pa din at humihinga. Nang tumagal, nawala na rin sa isip kong magpakamatay dahil kahit sinasabi kong galit ako sa dad ko eh siya pa rin ang pinaghuhugutan ko ng lakas para manatiling buhay. Pero kamakailan lang, kinuha na din siya sa akin. Noon ko nalaman na buhay pa pala ang kuya ko. Na lagi niya akong binabantayan. Na all those times nasa malapit lang pala siya. Kaya naisipan kong hanapin siya. Napadpad ako dito dahil sabi dito daw siya nag aaral pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikita.” Napatigil ako sa pag kukwento dahil naramdaman kong may panyo na dumampi sa pisngi ko. Napatingin ako sa katabi ko at nakita kong binigyan niya ako ng isang sinserong ngiti.

“Lahat ng bagay may rason. Bawat pagtatagpo, may tamang panahon.” Maikling sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Masyado kasing malalim pero kahit papaano ay naintindihan ko.

“Napapagod na akong umasa na magppakita pa siya sa akin. Isang lingo, pag hindi ko pa siya nakita, magpapahinga na ako.” Sabi ko sa kanya at nginitian siya ng bahagya. Napatitig siya sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

“Salamat nga pala. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.” Sabi ko sa kanya at tumayo na. Paalis na sana ako ng marinig kong magsalit siya.

“You don’t mean by ‘magpahinga’ is you’ll take your life, do you?” Nakakunot na tanong niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Isang malungkot na ngiti at naglakad na ulit ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay nag salita siya ulit.

“Do you have your brother’s picture? I’ll help you find him.” Sabi niya sa akin kaya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mpaharap muli sa kanya.

“Sigurado ka? Marami na akong napagtanungan pero wala silang kilalang Ian Pyro Salvacion.” Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon sa akin. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa ko at kinuha mula doon ang picture ng kuya ko at iniabot sa kanya.

“Sigurado ka bang Pyro ang pangalan niya?” Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

“Oo naman. Bakit kilala mo ba siya?” Tanong ko sa kanya.

“Pamilyar ang mukha niya pero hindi ako sigurado kung siya ang hinahanap mo.” Sabi niya. Parang nabuhayan ako ng pag asa sa sinabi niya.

“Ano nga palang pangalan mo?” Tanong niya ulit. Oo nga pala, hindi namin kilala ang isa’t isa.

“Demi Louis Salvacion. Ikaw?” Balik tanong ko sa kanya matapos kong sabihin ang pangalan ko.

“Nathan. Nathan Alvarez.” Sabi niya sa akin ng nakangiti. Tinanguan ko nalang siya at umalis na sa lugar na iyon. Habang nag lalakad ako palayo sa mini garden ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Kuya Pyro! Agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya pero mabilis din siyang nawala. Kuya, bakit ba ayaw mong magpakita sa akin?

Patuloy akong naglakad sa direksyon na maaari niyang takbuhan mula sa pwesto niya kanina pero nasa may bandang likod na ako ng University pero walang kuya Pyro kong nakita. Maglalakad na sana ako pabalik sa mini garden pero natigilan ako ng maramdamang may humawak sa akin at bigla nalang nila akong pinalibutan.

“Miss, bakit napadpad ka sa teritoryo namin?” Tanong nung lalaki na nakahawak sa braso ko.

“May hinahanap lang ako.” Halos pabulong na sagot ko. Nanginginig na ang katawan ko sa takot. Pakiramdam ko, sila yung mga kumidnap sa akin at totorturin ulit nila ako. Di ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko.

“Hahaha dude, ang kinis oh!”

“Oo nga. Jackpot tayo diyan.”

Natatakot na talaga ako sa kanila dahil panay ang hawak nila sa akin. Kuya. Kuya tulungan mo ko!

“Kuya Pyro!” Sigaw ko dahil sa matinding takot. Nagulat nalang ako ng biglang isa isang tumilapon palayo yung mga lalaking kanina ay nakapalibot sa akin.

“Miss okay ka lang?” Tanong nung lalaking tumulong sa akin. Napatunganga ako sa mukha niya. Agad ko siyang niyakap.

“Kuya Pyro! Akala ko hindi ka na talaga magpapakita sa akin eh.” sabi ko sa kanya habang mahigpit paring nakayakap. Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko pero hindi dahil sa paangungulila. Umiiyak ako ngayon dahil sa tuwa.

“Miss nagkakamali ka. Hindi Pyro ang pangalan ko.” Sabi niya kaya agad akong napabitaw sa kanya. Muli kong tinignan ang mukha niya. Hindi ako maaring magkamali. Siya ang kuya ko. Ang mukha niya, ang boses niya kay kuya Pyro yun.

“Imposible. Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw ang kuya ako. Dalawang taon kuya! Dalawang taon! Hanggang kalian ka ba magtatago sa akin?”

“Miss hindi nga ako si Pyro. Hero Alberts ang pangalan ko.” Mariing sabi niya sa akin pero kita ko sa mga mata niyang nag sisinungaling siya. Kuya bakit? Ayoko. Ayokong maniwala sa kasinungalingan niya.

“Demi?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Nathan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinalikudan ko na si Kuya Pyro at nagsimula ng maglakad palayo.

“Sorry baby ko.”

Napatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Hinayaan ko nalang na tumulo ng tumulo ang luha ko. Kuya bakit mo ko sinasaktan ng ganito? Alam mo bang konti nalang bibigay na talaga ako?

“Demi, tahan na.” Narinig kong bulong ni Nathan habang hinahagod niya ang likod ko.

+++

“Baby please, wag mo ng pagpilitang hanapin si kuya. Hindi na ako ang dating kuya na kilala mo. Masyadong delikado para sayo. Start a new life Demi. Kalimutan mo na si kuya. Wala na si kuya. Hindi na ako kailanman maaring bumalik sa dating ako. Mahal na mahal kita baby ko. Mahal na mahal ka ni kuya.”

Napabalikwas ako ng bangon. Narinig ko na naman ang boses ni kuya. Bakit kuya? Bakit? Bakit gusto mong kalimutan kita? Ikaw nalang ang meron ako.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ko na naman ako. Madilim na sa labas at dama ko ang lamig ng simoy ng hangin dahil bukas ang pintuan ng veranda ko. Lumapit ako doon para isara iyon pero laking gulat ko ng may tumambad sa aking isang pigura mula sa labas.

Dahil sa gulat ay napaatras ako. Huli na para maisara ang pintuan ng veranda dahil nakapasok na siya sa kwarto ko. Kahit medyo madilim ay naaininag ko parin ang nakamaskara niyang mukha.

Dahil sa takot ay mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Halos gumulong ako pababa ng hagdan dahil sa pilit akong kumakawala sa hawak ng estrangherong nanghimasok sa pamamahay ko. Takot na takot ako. Ang tibok ng puso ko’y di normal, parang gusto na nitong kumawala mula sa dibdib ko. Pakiramdam ko, mauulit ang lahat ng nangyari sa akin noon.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang makalabas na ako ng bahay ngunit sa kasamaang palad, sinalubong ako ng dalawa pang lalaking nakamaskara. Mga kasamahan ata sila ng lalaking humahabol sa akin. Huli na para makaiwas pa sa kanila. Agad akong sinunggaban nung isang lalaki at pwersahang tinakpan ng panyong may nakakahilong amoy ang aking bibig dahilan para mawalan ako ng ulirat. Ito na ata ang katapusan ko. Kuya, kung naririnig mo man ako, patawad.

Napasinghap ako at agad na napamulat dahil sa malamig na tubig na pwersahang isinaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong napaubo dahil sa pagpasok ng tubig sa ilong ko. Sino ba ang mga taong ito?

“Mabuti naman at gising ka na.” Isang matining at nakakasurang boses ang pumailanglang sa kwartong pinaglagakan nila sa akin. Kilala ko ang may ari ng boses na iyon. Ang walang puso kong madrasta. Matalim ko siyang tinignan.

“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig na tanong ko sa kanya.

“Isa lang ang kailangan ko. Ang pirma mo.” Malanding sagot niya sa akin.

“Patayin mo nalang ako.” Mariin na sabi ko sa kanya. Hinding hindi ako papayag na sa kanya mapunta ang pinaghirapan ng daddy ko. Napaghandaan ko na ang kamatayan ko kaya naman, nagpagawa na ako ng last will and testament sa attorney ni daddy na kung sakaling mamatay ako, lahat ng pagaari ko ay mapupunta sa iba’t ibang charity.

“Talagang papatayin kita pag hindi ka pumirma!” Inis na sigaw niya sa akin. Nginisian ko lang siya.

“Sa tingin mo ba, takot akong mamatay?” mapang asar na tanong ko sa kanya.

“Demi!” napatingin ako sa direksiyon ng tumawag sa akin. Tila nabuhayan ako ng loob ng makita ang uncle ko. Pinsan siya ng daddy ko at siya ang tumatayong presidente ngayon sa kumpanya ni dad.

“Hon ang tigas ng ulo nitong batang to. Ayaw pang pumirma eh.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng walang hiyang madrasta ko. Tila lahat ng pag asa ko ay gumuho. Wag mong sabihing magkasabwat sila? Daddy, bakit ang hilig mong kumupkop ng mga ahas?

“Demi, wag nang matigas ang ulo. Wala ka rin namang magagawa eh.” sabi niya sa akin gamit ang malambing niyang tono. Lumapit siya sa akin at marahas na sinabunuta ang buhok ko. Gusto ko ng maiyak sa sakit pero ayokong ipakita ang luha ko sa mga ahas na katulad nila.

Hindi ako kumibo. Marahas niyang inginudngod ang mukha ko sa papel na nasa harap ko. Hindi pa siya nakuntento, marahas niyang sinampal ang magkabilang pisngi ko at marahas na hinawkan ako sa baba. Halos bumaon na ang kuko niya sa mukha ko. Inangat niya ang mukha ko kaya napatitig ako sa nangangalit niyang mga mata. Nanatili lang akong tahimik.

“Hindi kita titigilang bugbugin hanggat hindi mo pinipirmahan ito.” Malakas na sigaw niya sa mukha ko. Lumayo siya  sa akin ng bahagya at sinenyasan ang mga tauhan niya.

Pinagpasa pasahan ako ng mga tauhan niya. Walang awa nila akong binugbog at pinaglaruan. Halos di ko na maidilat ang mata ko dahil sa pasa at sugat na natamo ko sa kanila. Kaunti nalang at bibigay na ang katawan ko. Ramdam ko na ang pagbagal ng hininga ko at unti unting pagtakas ng buhay sa nanghihina kong katawan.

Kahit hinang hina ay pinilit ko paring dumilat ng maramdamang biglang tumigil ang pangbubugbog nila sa akin. Rinig ko din ang mga daing nila. May nagligtas na ba sa akin?

Kahit malabo ang paningin ko ay malinaw naman sa isipan ko kung ano ang nakikita ko. Puro dugo ang paligid. Lahat ng tauhan ni Uncle ay nakahiga na sa sahig at walang buhay. Sa di kalayuan, nakatayo ang isang lalaki habang sakal ng isa niyang kamay si Uncle. Nakaangat na ang katawan nito sa sahig at nahihirapan ng huminga. Ang walang hiyang madrasta ko naman ay takot na takot na naka upo sa sahig malapit lang sa pwesto ni Uncle.

“P-Pyro…” Narinig ko pang usal ni Uncle bago siya marahas na ibinalibag ng lalaki sa pader.

“Aahhh! Demonyo! Demonyo ka!” Histerikal na sigaw ng walang kwenta kong madrasta.

“Kuya… kaya ba ayaw mong hanapin kita?” Halos walang boses na tanong ko sa kanya. Dahan dahan siyang humarap sa akin. Gusto kong matakot sa nakikita ko. Kulay pula ang kanyang mga mata. May bakas ng dugo sa kanyang bibig at puro dugo na din ang katawan niya. Pero, siya pa rin ang kuya ko. Bakas sa mapula niyang mata ang lungkot. Nginitian ko siya kahit na hirap na hirap na ako. Pakiramdam ko ligtas na ako. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko.

“I’m sorry baby. Hindi na naman kita nailigtas ng mas maaga. Patawarin mo si kuya.” Narinig ko pang bulong ni kuya sabay halik sa aking noo. Sa isang iglap, nawala lahat ng sakit. Gumaan narin ang pakiramdam ko at tuluyan ng nakatulog.

++++

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nasaan ako? Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Itim ang kulay ng pader at halatang lalaki ang may ari nito. Mula sa labas ay may narinig akong naguusap kaya minabuti kong manahimik muna at makinig.

“Hero, alam mong hindi ko papayagan yang gusto mo.” Sigaw ng isang lalaki.

“Yun nalang ang nakikita kong paraan Miro. Gusto ko ng maging masaya ang kapatid ko at kalimutan ako. Ayokong ilaan niya ang buhay niya sa pag hahanap sa akin dahil parehas nating alam kung gaano kadelikado para sa kanya pag natuklasan niya kung ano tayo.” Mahinahong sagot ng isa pang lalaki na napaka pamilyar sa akin ng boses. Si kuya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

“Gising na siya.” Narinig kong sabi nung isa kaya dali dali akong napapikit. Naramdaman ko nalang na bumukas ang pinto kaya nagkunwari akong bagong gising. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong sa akin ng isang hindi pamilyar na lalaki. Siya siguro ang kausap ni kuya kanina.

“Asan ang kuya ko?” Balik tanong ko sa kanya. Kita ko ang lungkot at awa sa mata niya. Naaawa ba siya sa akin?

“Demi ang pangalan mo hindi ba?” Tanong niya ulit sa akin. Hindi ko na naman siya sinagot.

“Buburahin mo na ba ang alala ko?” Tanong ko ulit sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

“Hahaha. Kanina pa tayo nagtatanungan wala namang may balak sumagot. Oh siya ako na ang mauunang sumagot. Si Hero, nasa labas. Tungkol na naman sa alala mo, ayaw ko mang gawin pero kailangan. Delikado ang buhay mo kapag may nakaalam na alam mo ang tungkol sa amin. Gusto kitang tulungan. Hindi ko buburahin ang alala mo pero mangako ka sa akin … hindi mo na ipagpapatuloy ang paghahanap sa kuya mo.” Matapos niya akong pagtawanan ay bigla siyang sumeryoso. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung sakaling pumayag ako, wala ring saysay dahil hindi ko rin makakasama ang kuya ko. Ayoko rin namang burahin niya ang alala ko. Ayokong mawala ang alala namin ni kuya. Yun nalang ang pinanghahawakan ko. Yun nalang ang meron ako.

Bago pa man ako makapag react ay kinitlan na niya ako agad ng halik sa labi dahilan para biglang bumigat muli ang talukap ng mata ko at tuluyan ng hilain ng antok.

+++

Muli akong nagmulat ng mata. Mukha ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin.

“Nathan?!” Gulat na tawag ko sa pangalan niya. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa ibang kwarto na naman ako. Nasaan na naman ba ako? At bakit nandidito si Nathan? Nasaan si kuya at yung lalaking si Miro? Wala sa loob kong napahawak ako sa labi ko. Ang huling natatandaan ko ay nang kiniylan ako ng halik sa labi ni Miro.

“Ayos ka lang ba Demi? Dalawang araw ka nang tulog at sobrang nag aalala na ako sayo.” Bakas nga ang pag aalala sa tinig niya. Pero teka, dalawang araw akong tulog?

“Ah, Nathan, nasaan ako? Tsaka paano ako napunta dito?” Tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang napabuntong hininga bago pa man siya sumagot.

“Inihatid ka dito ni Miro, yung kaibigan nung kamukha ng kuya Pyro mo? Sabi niya, nakita ka daw niya sa daan na walang malay. Hindi daw niya alam kung saan ka dadalhin kaya dito ka dinala since ako daw ang madalas nilang makita na kasama mo. Nandito ka ngayon sa condo ko.” Mahabang paliwanag niya. So, si Miro nga. Teka, natatandaan ko ang lahat. Ibig bang sabihin, hindi niya talaga binura ang alaala ko? Should I comply with his condition? Titigil na ba ako sa pag habol sa kuya ko? NO! I wont stop! Kahit gaano pa kadelikado. Hindi na ako takot mamatay pero gusto ko, kahit bago man lang ako mamatay, malaman ko ang totoo tyungkol sa kuya ko. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman iyon.

+++

“Sigurado ka bang gusto mo nang pumasok ngayon? I mean, ayos na ba ang pakiramdam mo?” muling tanong sa akin ni Nathan habang ipinaparada ang sasakyan niya sa parking lot ng school namin. Bahagyang nakangiti akong tumango sa kanya bilang tugon.

“Pero kasi, pwede kitang ihatid sa bahay niyo para makapahinga ka ng ayos. Kung iniisip mo yung mga dumukot sayo, wag kang mag alala. Ako na ang bahala sayo.” Pamimilit pa rin niya.

“Im fine Nathan. Wag ka nang mag alala pa dahil sobra sobrang pang aabala na ang ginawa ko sayo. Isa pa, ikaw na din ang nagsabi, dalawang araw akong tulog. Dalawang araw akong hindi pumasok kaya kailangan kong mag habol sa eskwela.” Nakangiti kong tugon sa kanya. Ayoko na siyang abalahin pa dahil sobra sobra na ang nagawa niya para sa akin. Isa pa, gusto ko nang Makita agad si kuya. Kahit makita ko lang siya.

“Sabagay. Ikaw ang bahala. Basta pag kailangan mo ko, alam mo naman saan ako makikita diba?” sabi niya sa akin matapos makababa ng sasakyan. Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon.

Inihatid ako ni Nathan sa room ko at siya na din ang nag dahilan sa prof ko para sa dalawang araw na hindi ko pag pasok. Napaka bait talaga ng lalaking yun.  Ang hindi pag damay sa kanya sa problema ko ang tanging paraan para masuklian ko ang kabaitan niyang iyon sa akin.

Dumaan ang maghapon pero ni anino ng kuya ko o nung kaibigan niyang si Miro ay hindi ko nakita. Tsk. Paano ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko kung hindi ko sila makikita?

Walang gana akong nagpasyang umuwi nalang muna. Alam kong hindi pa ako nakakasiguro na ligtas na ako sa bahay pero wala na akong pakialam. Inaasahan ko na din naman na  sooner or later, mamamatay ako.

Dahil wala naman akong dalang sasakyan ay nag commute nalang ako. Dalawang sakay pa bago ako makauwi sa bahay.

Habang nag aabang ako ng masasakyan, di sinasadyang natanaw ko si Kuya Pyro na nakatayo sa  tapat ng isang restaurant, tawid kalsada lang mula sa kinatatayuan ko. May humintong itim na van sa tapat niya at pag andar muli ng van, wala na siya sa kinatatayuan niya. Panigurado, sumakay siya sa van na iyon. Eto na ang pagkakataong inaantay ko.

Agad akong pumara ng taxi at pinasundan ang itim na van na iyon. Mabuti nalang at hindi pa sila gaanong nakakalayo. Sinabihan ko si manong driver na wag masyadong dumikit sa van na iyon dahil alam kong makakahalata sila.

Nang mapansin kong pumasok sila sa isang pamilyar na subdivision ay ipinahinto ko na kay manong driver ang taxi at agad na bumaba. Alam kong hindi rin naman ako makakapasok kung nakataxi ako.

Agad akong lumapit sa guard at nagkunwaring may dadalawin na kaibigan sa loob. Mabuti nalang at hindi masyadong mahigpit dito kaya hinayaan niya akong makapasok.

Mga sampung minuto na ata akong nagpapaikot ikot sa loob ng subdivision na iyon pero hindi ko pa din makita yung van. Medyo pagod na din ako. Okay, another ten minutes. Pag hindi ko pa din nakita, uuwi na ako.

Itnuloy ko na ang paghahanap dun sa van pero lumipas na ang panibagong sampung minuto ay hindi ko pa din nakita kaya napagdesisyunan ko nang tuluyan ng umuwi. Maglalakad na sana ako palabas ng gate ng bigla akong matigilan. Literal na tumigil ang katawan ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at para bang may mga kamay na nakahawak sa balikat ko.  Unti unti nang sumiklab ang takot sa puso ko. Ano bang nangyayari?

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko, na sana hindi ko nalang ginawa. Isang nakapangingilabot na mata ang sumalubong sa halos maluha luha kong mga mata. Isang pares ng pulang mata ang tumambad sa akin at ng ibaba ko ang tingin ko, nakita ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

Gusto kong sumigaw pero tila tinakasan ako ng sarili kong boses. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak ng tahimik habang ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.

Mas lalo akong natakot ng dahan dahan niyang iniangat ang isa niya pang kamay at gamit ang hintuturo ay unti unti niyang inilapit iyon sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nya kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pumikit at maghintay sa kung ano man ang gagawin niya.

+++

Nagising ang diwa ko dahil sa impit na sigaw. Tila hirap na hirap ang taong iyon. Gusto kong imulat ang mga mata ko dahil alam kong pamilyar ang boses na iyon pero muli akong binigo ng sarili kong katawan. Unti unti ko na ding nararamdaman ang hapdi sa katawan ko. Masakit ang mga braso ko na para bang nakatali iyon paangat sa magkabilang direksyon.

“Pinalampas ko ang pagsama mo sa dating prinsepe Hero dahil sabi ni ama ay hayaan kita, pero ang kalapastanganang ginawa mo ngayon sa batas natin ay hindi ko na mapapalampas pa. Matapos kang sagipin ni ama noon, matapos ka niyang bigyan ng panibagong buhay para mailigtas mo ang pinakamamahal mong kapatid ay eto pa ang igaganti mo? Simpleng kundisyon lang Hero, pero hindi mo ginawa. Hinayaan mong makita ka nila at pinaka mabigat doon, hinayaan niyo siyang malaman ang tungkol sa katauhan nating mga bampira!” Pasigaw na usal ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino siya o kung sino ang kausap niya pero sigurado akong ang tinutukoy niyang Hero ay si kuya Pyro.

Iyon na ba ang katotohanan? Iyon ba ang nangyari noon? Noong panahong akala namin ay namatay na si kuya? Nakipagkasundo siyang maging isang ba-bampira? Para lang mailigtas ako? Kaya ba hindi siya nagpapakita sa akin? Kaya ba ayaw na niyang hanapin ko siya? Eto ba ang panganib na tinutukoy niya?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko sa pangalawang pagkakataon at sa wakas, kahit papaano’y naidilat ko ang mga mata ko. Pinilit kong kilatisin ang lugar kung nasaan ako naroroon ngayon. Isa itong kwarto na may malamlam na ilaw. Katapat ko ang isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa amin at kaharap niya ang kuya ko. Ang kuya kong nakagapos ang dalawang kamay paitas sa magkabilang direksyon. Puno rin ng dugo ang mukha nya ganun na din ang damit niya. Gusto kong maiyak lalo na ng tumingin siya sa gawi ko at bahagyang ngumiti.

“Ku-kuya Pyro.” Halos walang boses na tawag ko sa kanya na siyang ikinaharap sa akin nung lalaking kausap niya. Kilala ko siya sa mukha. Alam kong estudyante rin siya mula sa eskwelahang pinapasukan ko.

“Gising ka na pala binibini.” Nakangiting bati sa akin nung lalaki. Hindi ako kumibo. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Mabilis na lumapit sa akin yung lalaki at marahang hinaplos ang mukha ko. Maya maya pa ay inilapit niya sa akin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla nyang isiniksik ang ulo niya sa may parteng leeg ko at tila ba inaamoy iyon. Napakalakas na ng tibok ng puso ko. Nanghihina na din ang tuhod ko sa ginagawa niya. Bakit? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko?

Napatingin ako kay kuya at doon ko lang napagtanto na sumisigaw siya. Nagwawala at tila gusto niyang putulin ang mga kadenang nakagapos sa mga kamay niya. Kulay pula na din ang mga mata nya.

Sumisigaw si kuya pero hindi ko nadidinig ang sinasabi niya. Tanging tibok lang ng puso ko ang nadidinig ko at hindi ko gusto ang sensasyon na dulot ng lalaking ito. Parang minamanipula niya ang dapat na maging reaksyon ng katawan ko.

Patuloy lang siya sa pag amoy sa leeg ko at maya maya pa ay naramdaman ko ang dahan dahang pagdampi ng labi niya sa leeg ko, patungo sa ilalim ng baba ko, papunta sa ilalim ng tainga ko, sa pisngi hanggang sa tuluyan niyang sakupin ang labi ko.

Hindi ito maaari! Kusang tumutugon ang mga labi ko sa paghalik niya! Hindi! Ayoko! Kuya Pyro! Tulungan mo ko!

Nararamdaman ko ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko pero ang mga labi ko ay patuloy sa pagtugon sa paghalik sa kanya. Muli niyang iniwan ang labi ko at muling ibinaba ang mukha sa leeg ko habang nagiiwan ng maliliit na halik sa madadaanan ng labi niya hanggang sa …

“Aaaaaahhhhh!!!!” Sigaw ko ng maramdaman ang matutulis niyang pangil na bumaon sa leeg ko.

“Demi!!!” Narinig kong sigaw ng kuya ko. Sa wakas, naririnig ko na siya. Tumingin ako sa kanya, gusto kong magmaka awa sa kanya na tulungan ako para maibsan ang hapdi na nararamdaman ko dahil sa pagkagat sa akin ng lalaking ito.

“Papatayin kita Anthony Alberts!! Napaka walang puso mo!!” Galit na sigaw ni kuya sa lalaking kumagat sa akin. Nakaharap na siya ngayon kay kuya habang may bakas pa ng dugo ang kanyang mga labi na nakangiti pa ng nakakaloko.

Ramdam ko ang patuloy na pag agos ng dugo sa leeg ko at nanghihina na ako. Malapit nang bumigay ang mga mata ko pero bago ko pa man maipikit iyon ay malinaw ko pang nakita ang pagtalsik ng lapastangang lalaking iyon. Bago tuluyang lamunin ng dilim ang paningin ko ay nag aalalang mukha ni Miro ang huli kong nakita at malinaw ko ding nadinig ang pagtawag niya sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.

+++

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang napaka weirdong pakiramdam ang nadarama ko ngayon. Napaka aliwalas ng lahat.

“Kamusta ka na?” Napagawi ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Bahagya pang napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino siya at kung nasaan ako.

“Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito ka din sa kwarto ko? Nasaan ang kuya ko?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Lalo pang kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa.

“Easy there, young lady. Isa isang tanong lang mahina ang kalaban.” Natatawa niyang sagot sa akin. Pero agad ding napawi ang tawa niyang iyon. Bahagyang napakunot ang noo ko. I actually find it weird. Seeing him first as I open my eyes is actually really weird.

“Just so you know, we just save your ass little lady. I clearly ask you to forget about your brother but you really didn’t gave a damn about what I said so you were kidnapped by your brother’s blood-brother but we save you in time … well, not really. Oh yeah, this is not reality in case you didn’t know. I mean, you were just dreaming now. Your body is in the hospital and being treated as of the moment. I just take this opportunity to warn you.”

I was confused. Yeah I know I was kidnapped, pero blood-brother? I was just dreaming? And warn me about what?

I was about to ask him when suddenly there’s light. It seems like a warp. And then I heard a noise. It was just a murmur at first then little by little it became clear. I heard my brother’s voice. He seems like talking to someone but I didn’t hear any response.

“I’m sorry. I’m sorry. Hindi ka naprotektahan ni kuya. Just when I thought I was protecting you by pushing you away, I was wrong. Kuya was wrong. Please forgive me.” I heard him. He was crying. He was pleading me, to forgive him. It breaks my heart. Hearing him cries makes my heart broke into pieces. I understand his reasons now. I want to open my eyes and hug him but I can’t. I just can’t move. I feel hopeless as strength slowly leaves my body.

“Demi? Demi? Oh God! Doc! Doc yung kapatid ko! Tulong!” I heard him screeming and panicking. Alam kong sinabi ko dati na handa na akong mamatay pero bakit parang natatakot pa din ako? Natatakot akong iwanan ang kuya ko.

“I won’t let you die. Trust me. Just feel the beat of your dying heart ‘coz you’ll never feel that beat again.” Just when I was about to loose consciousness, I heard him. I heard Miro’s voice.

And then everything went silent.  I can feel my life being taken away. I can feel the coldness as my heart begun to beat slower and slower until it’s gone. I started to panic but it’s too late. I already breathe my last breath.

+++

Napamulat ako at agad na naghabol ng hininga. Pakiramdam ko, lumangoy ako mula sa ilalim ng dagat. Pagod na pagod ako at parang kapos na kapos ang hininga.

Napalingon ako sa paligid ko. Napansin kong nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Kulay puti ang pader na may kaunting bahid ng malamlam na azul. Teka, nasa langit na ba ako? Ang alam ko namatay na ako ah?

Napakunot ang bahagya ang noo ko ng marinig ang pamilyar na tawa.

“Wala ka sa langit. Nasa bahay kita.” Napahawak ako sa dibdib ko habang mabilis na napalingon sa gilid ko kung saan nagmula ang boses niya. Bahagya pa akong nagtaka ng walang maramdamang kabog sa dibdib ko.

 Matiim ko siyang tinitigan, nagbabakasakaling may makuha akong sagot sa kanya. Tinawanan niya lang ako kaya napasimangot nalang ako at binawi na ang tingin ko.

“Katulad ng sinabi ko, wala ka sa langit. Nasa bahay kita.” Muli akong napalingon sa kanya. Sa pagkakataong ito, nakangiti nalang siya ngunit tila ba may bahid ng alangan ang ngiti niyang iyon.

Umupo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo. Halos man laki ang mata ko ng humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at marahang iginiya iyon papunta sa dibdib ko.

“Nararamdaman mo ba?” Tanong niya.

Naguluhan ako lalo sa tanong niya pero ng pag isipan kong mabuti ang tanong niya, noon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Muli kong kinapa ang dibdib ko upang masiguro ang hinala ko.

“Katulad niyo na ako? Bampira na rin ba ako? Alam ba ni kuya ‘to? Anong sabi niya?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang masayang masayang niyuyugyog pa ang mga balikat niya.

“Hey. Stop!” Nanlaki ang mata ng maramdamang tila kusang huminto ang mga kamay ko sa pagyugyog sa kanya. Nginisihan naman niya ako at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

“Come here. I’ll show you everything you want to know.” Aniya habang bahagyang isinenyas ang ulo na lumapit pa ako sa kanya.Nagtataka man ay sinunod ko na din ang gusto niya.

“Bite me.” Ma otoridad niyang usal sa akin kasabay ng pag angat ng pulso niya sa bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin habang mataman na tinititigan ang pulso niyang halos katapat na ng bibig ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Naaamoy ko ang tila isang napakatamis na likido na nagdudulot ng kasabikan sa sistema ko. Mas lalong tumindi ang kasabikang nararamdaman ko ng bahagya niyang sugatan ang kanyang pulso at umagos mula doong ang nang aakit na pulang likido.

Parte ng utak ko ang sumisigaw na huwag akong magpadala sa kasabikang nararamdaman ng sistema ko pero tila wala na ako sa katinuan at agad na dinakma ang braso niya at kinagat ang kanyang pulso.

Unang dampi palang ng kanyang dugo sa dila ko ay tila masisiraan na ako ng bait. Parang kuryenteng agad na dumaloy sa buong katawan ko ang dugo niya hanggang sa maabot nila ang utak ko. Iba’t ibang imahe ang mabilis na sumakop sa paningin ko.

Kitang kita ko ang lahat ng nangyari simula ng dalhin ako sa ospital hanggang sa itakas ni Miro ang bangkay ko. Tanggap na ng kapatid ko na patay na ako. Ayos lang sa kanya ang mawala na ako. Ganoon lang kabilis sa kanya tanggapin na wala na ako.

Napakalas ako sa pagkakakagat sa pulso ni Miro at naguguluhang napatitig sa kanya. Bakit pa niya ako binuhay kung tanggap na ng kapatid ko na wala na ako?

“Bakit Miro? Simula palang napakadali na para sa iyo na burahin ang alaala ko. Bakit binuhay mo pa ako gayong wala rin namang silbi ang pagkabuhay ko dahil binitawan na ako agad ng kuya ko? Bakit Miro? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?” Puno nang pagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang motibo niya. Hindi ko alam kung naaawa lang ba talaga siya sa akin o may iba pang dahilan.

“I’m really sorry Demi pero katulad ng sinabi ko sayo sa ospital, hindi ko hahayaang mamatay ka. Sa dami ng pinagdaanan mo, gusto kong ibigay sayo ang pagkakataong ito para maranasan ang dinadanas ng kuya mo. Hindi sapat ang paliwanag lang demi. Hindi sapat ang salita para maintindihan mo ang rason ng kuya mo sa ginawa niyang paglayo sayo.” Sagot niya sa akin bago biglang nawala sa paningin ko. Natulala ako sa sagot niya. Ano nga ba talaga ang rason ni kuya?  

Naupo nalang ako sa gilid nang kama kung saan ako kanina nakahiga. Oo nga’t kahit papaano’y naintindihan ko si kuya Pyro pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa din lubos na maunawaan ang lahat. Ngayon, isa na din ako sa kanila. Isang nilalang na nabubuhay sa pagkuha ng enerhiya ng iba. Mahaharap ko ba si Kuya gayong hindi niya gusto ang ideyang maging kaisa ako nila? Napangiti nalang ako ng mapait, mukhang ako naman ang kailangang magtago sa kanya. Kailangan kong magtago hangga’t hindi ko pa nauunawaan ang lahat. Ayokong madismaya si kuya sa akin dahil sa pagsuway ko sa kanya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Masyado nang maraming nangyari sa akin, ngayon pa ba ako susuko?

Palabas na sana ako ng kwartong iyon ng biglang bukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Miro na matipid na nakangiti sa akin. Matipid ko lang din siyang nginitian. Iniabot niya sa akin ang isang folder na kulay itim, isang credit card na nakapangalan sa isang Louis Sanchez at mga susi na hindi ko alam kung para saan.

Batid kong bakas ang pagtataka sa aking mukha ng muli kong ibalik ang tingin ko kay Miro. Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko bago tumuloy sa paglakad papunta sa gilid ng kama at naupo. Agad naman akong sumunod sa kanya bitbit ang mga bagay na iniabot niya sa akin.

“Anong gagawin ko dito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Para sa bagong ikaw. Patay na si Demi Louis Salvacion baka nakakalimutan mo. Isa pa, nakapag pasya ka nang hanapin ang sagot, hindi ba? Bilang blood parent mo, nararapat lang na ibigay ko sayo ang bagong identity mo. Ako ang nagdala sayo sa sitwasyong ito Demi kaya hayaan mo akong tulungan ka. Isa lang ang hihingin kong kapalit Demi, ipangako mong hinding hindi ka mahuhulog sa iba dahil pag aari na kita.”